"Ayos lang naman sa akin Mike. Fiance mo siya eh. Wala akong laban dahil katulong mo lang ako. Kaya kung ano ang mga sabihin niya sa akin. Para sa kaniya ay tama 'yon. Tsyaka, tama naman ang sinabi niya eh. Dahil masyadong palagi tayong magkasama parang wala na akong limitasyon sa 'yo," sabay ngiti ko. "Ano na naman ang iniisip mo? Walang mali kung magkasama tayong dalawa palagi. Mas komportable ako doon. Kaya, huwag mong isipin ang sinasabi ni Margie. Wala naman siyang pakealam, okay? Sadyang mali lang talaga ang pag-iisip niya, okay?" aniya pa ni Mike sa akin. "Sige na nga Mike kung 'yan ang gusto mo. Susunod ako, hehehe," sabay ngisi ko. "Pero kailangan mo pa lang dumalo sa family dinner niyo. Dahil, kailangan ka nila roon. Bilang respeto na rin family mo eh," dagdag ko. "Oum, pupunta ako. Pero, gusto kong makasama ka roon," wika ni Mike."Huh? Pero, bawal ako roon. Kasi hindi naman ako parte ng pamilya niyo eh. Kaya ayos lang sa akin na dito na lang ako Mike. Baka kapag magpunt
Last Updated : 2026-07-31 Read more