Habang nagmumuni-muni ako dito hindi ko akalain na darating si Tita ang ina ng kaibigan ko. Walang alinlangan siyang umupo sa tabi ko at tila ba'y nakikiramay din sa akin. "Bakit malungkot na naman ang mukha mo, Alexa? May problema na naman ba kayo ni Margie?" sunod-sunod na pag-aalalang tanong niya. Hindi ako nakasagot. "Ayos lang 'yan iha, ganyan talaga ang ugali ni Margie. Maiintindihan mo rin siya balang araw. Pero kapag bumalik na ang ate Luna niya dito malamang magbabago na ang ugali niya. Gusto mo ba pagdating dito ni Luna ipakilala kita sa kaniya para maging kaibigan kayong dalawa?" Ibinaling ko ang paningin ko sa kaniya. Nakangiti naman siya at hinihintay ang sagot ko. "Syempre naman po. Magiging masaya ako kung maging kaibigan kami ni Luna. Pero sana mga po mabait po siya, Tita. Para maging magkasundo po kami agad," sabay ngiti ko ng mahina. "Ano ka ba, Alexa. Mabait syempre si Luna. Parang anak ko na rin 'yon kasi close kaming dalawa." Natuwa naman ako dahil kahit p
Última actualización : 2026-09-20 Leer más