"This is good. Masarap, gusto ko ang lasa nito."Tuwang-tuwa ako na masayang reaksyon ang bumakat sa mukha ni Mike matapos niya itong tikman. Maya-maya pa, muli siyang kumuha at kumain ulit ng sopas. Hanggang sa sunod-sunod na ito sa pagkain."Teka lang, sandali lang kuya." Hinawakan ni Samuel ang kamay ni Mike upang pigilan ito. Matapos umakmang kukuha ulit ng sopas. "Huwag mo naman akong ubusan. Pwede bang dahan-dahan lang. Nakakailan ka na samantalang kami wala pa." Ibinaba ni Samuel ang kamay ni Mike. "Kunti na lang," hirit ni Mike."Ay! Hindi kuya, amin na 'to," paglaban naman ni Samuel. Mahina akong natatawa sa ginagawa nilang dalawa. Kahit si Aleng Klarita ay hindi na rin napigilan ang tawa niya."Sige na, 'yong parte ko na lang diyan ang kunin mo Mike. Hayaan mo na siya Samuel," aniya ko."Pero---" Hindi ko na pinatapos pa si Samuel sa sasabihin niya. Parehong kamay nila ang tinapik ko at kinuha ko ang kainan ni Mike. Nilagyan ko ito ng sopas at ibinigay sa kaniya. "Ayan,
Last Updated : 2026-07-30 Read more