Si Shasha ang dumating. Napatigil kami ni Samuel. Humakbang si Shasha papalapit sa akin at umupo ito sa tabi ko. May dala siyang damit na tila may laman ito na nakatago sa loob. "Bakit Shasha, ano ba ang dapat na gawin? Sabihin ni Mike na hindi niya talaga mahal si Margie? Mawawasak ang puso niya, sigurado 'yon," wika ni Samuel. I didn't say anything. Gusto kong hintayin ang sagot ni Shasha. "Oo naman. Dahil sa pagsisinungaling silang dalawa lang naman ni Mike ang mahihirapan. At ang malala pa, kapag tumagal pa na umasa si Margie. Mas masasaktan lang siya. Kaya, bakit mo pipiliin na magsinungaling kung pwede ka naman maging totoo? Wala naman mali roon," walang alinlangan na sagot ni Shasha. Sinasabi ko na nga ba. Hindi ako madidismaya sa sagot niya. "Kung gano'n, ede sabihin mo na kuya kay Margie," sagot ni Samuel. "Naiintindihan mo na ba Samuel? Tama ang sinabi ni Shasha. Kahit naman hindi ko sabihin, alam ko na alam na ni Margie 'yon," seryoso kong sabi. "Teka lang Shasha, na
Last Updated : 2026-07-29 Read more