ALEXA POINT OF VIEW Woah! Nakakatuwa nagkita kami dito ni boss sa restaurant. Mabuti na lang pumayag siya sa alok kong kumain ng sabay sa amin. Kita ko tuloy ang inis sa mukha ni Margie. --- Sabay-sabay kaming kumain ngayon kasama na din si Gwen. Ang ganda niya talagang babae parang model. Mas maganda pa si Gwen kaysa kay Margie na puno ng kasungitan ang mukha. "Bro, mabuti naiisip niyong lumabas? Ngayon lang tayo ulit nagkasama-samang kumain ah sa restaurant. Tsyaka, mukhang mas napapalapit na ang loob mo kay Alexa ah," nakangiting wika ni Samuel. Sus, ngayon ko lang yata narinig na mabuti siyang magsalita. "Shasha na lang ang itawag niyo sa akin," sabay ngiti ko. "Wow, ang ganda pala ng palayaw mong name. It's cute like you." Matamis itong sinabi sa akin ni Lance. Ganyan nga dapat Lance, ngumiti ka palagi at maging malambot. "Cute? Saang parte ng katawan niya ang pagiging cute niya? Baka 'yong height lang?" Kita ko sa mukha ni Mike na natutuwa pa siyang asarin ako. "Grabe
Huling Na-update : 2026-07-21 Magbasa pa