Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay ni Mike. Pagkababa ko pa lang. Rinig ko na ang dabog ni Mike paglabas niya sa kotse niya. Nagdamadali siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Muli niya akong hinila dahilan na mas nagkadikit kami ulit. "Boss, parang ang hilig mo po yatang hilain ako? Ang sakit po kaya. Pwede ba sa susunod huwag mo na gawin sa akin ulit?" Walang emosyon ko siyang tinitigan. Ngunit, parang naging bingi siya bigla sa akin. Pagkababa ni Lance sa kotse. Nakangiti pa rin siya sa akin. Hehehe, ang gwapo niya talaga. "Walang pinagbago, ang ganda pa rin ng bahay natin. I miss this house. It's been a long time," masayang wika ni Lance. Maya-maya pa, dumating ang assistant ni Mike. May dala itong wheelchair. "Boss, dapat hindi ka basta-basta umalis. Baka kung ano na naman ang mangyari sa 'yo. Sa susunod, pwede bang sabihin mo sa akin kung saan ka pupunta. Para maalalayan kita." Labis ang pag-aalala nito. Umupo si Miles sa wheelchair niya
最終更新日 : 2026-07-20 続きを読む