"Boss, sa tingin mo ba ay kaya ko? Baka saktan niya ako eh," mahinang aniya ko habang natatakot pa rin ako. "May tiwala ako sa 'yo Shasha, kaya magtiwala ka rin sa akin. Kayang-kaya mo 'yan, hindi ka masasaktan habang nandito ako sa tabi mo." Ramdam na ramdam ko na hindi ako mag-isa ngayon. Kaya naman, susunod ako sa utos ni boss. Dahan-dahan akong humarap sa kutsilyo kahit kinakabahan pa ako. Subalit, ng makaharap na ako roon, hindi naman ako sinaktan nito. Kaya bakit nga ako matatakot? "Oh 'di ba? Hindi ka naman sinaktan. At hindi ka masasaktan kung gagamitin mo 'yan sa maayos. Kaya naman, mula sa araw na ito dapat hindi ka na matakot sa mga ganyang bagay, okay?" Nakangiting sanaysay sa ni boss sa akin. "Kaya nga boss. Hindi niya pala ako sasaktan eh. Hindi na po ako matatakot." Mas pinili ko ang ngumiti pa rin at palakasin ang loob ko. Positibo naman ang pinapakita sa akin ni boss. Kaya magiging positibo lang din ako dapat. Kahit walang inutos si boss sa akin ulit. Dahan-dah
Última actualización : 2026-07-26 Leer más