F A S T F O R W A R D Hindi ako pumayag kay boss na siya lang ang pupunta sa kompanya niya. Kaya naman ngayon ay magkasama kaming dalawa ngayon na pumasok sa kompanya niya. Akala ko pa naman kanina hindi na siya babalik. Pero sabi niya urgent daw. Maayos rin ang suot ko ngayon dahil siya ang pumili nito. Cute naman ito, kaso skirt din ang pang-ibaba ko. Habang naglalakad kami sa loob ng kompanya ni boss. Natanaw ko si Linda sa malayo. Ewan ko ba kay boss dahil dito kami dumeretso sa opisina kung saan nakalagay si Linda. "Boss, wala ka ba munang pupuntahan? Baka meron ka pang mas importante na gawin? Office mo po boss baka may kailangan ka doon, hehehe," pagpipigil ko kay boss. Humarang ako sa harap ng wheelchair niya. Subalit, walang emosyon ang tingin na ibinigay niya sa akin. "Bakit boss? Wala ba? Isipin mo munang mabuti boss, baka meron tapos nakalimutan mo lang," dadag ko pa. Ngunit, tila hindi siya nadadala sa pangungumbinsi ko sa kaniya ngayon. Wala eh, seryoso pa rin an
Last Updated : 2026-07-28 Read more