AMBERTahimik lang ako habang nasa byahe kami. Nakatingin ako sa bintana habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko. Hindi ko na pinipigilan dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko matapos akong paalisin sa mansion. Paminsan-minsan ay sumusulyap sa akin si Richard habang nagmamaneho, pero hindi muna siya nagsasalita.Pagkaraan ng ilang minuto, marahan siyang nagsalita.“Amber, huwag ka ng umiyak nang ganyan. Alam kong masakit ang nangyari, pero hindi ibig sabihin na wala ka nang ibang mapagpipilian. Makakahanap ka rin ng bagong trabaho, at kung kailangan mo ng tulong sa paghahanap, sabihin mo sa akin.”Pinunasan ko ang mga luha ko at bahagyang ngumiti.“Salamat, Richard. Hindi ko lang talaga alam kung paano ako magsisimula ulit. Iniisip ko si Mama at si Noah, lalo na ngayon na wala na akong trabaho. Hindi ko alam kung paano ko babayaran ang mga kailangan namin.”“Huwag kang mag-alala…makakahanap ka rin ng mabait na amo. Huwag mong isipin lahat ngayong araw dahil lalo ka lang masasaktan.
Última atualização : 2026-09-09 Ler mais