HAVEN“Ano iyon? Naghahawakan kayo ng maid mo?” tanong sa akin ni Sebastian bago humagalpak ng tawa.Mariin akong napapikit sabay kugon ng kamao ko. Kainis talaga itong si Amber! Ang lakas ng tama sa utak! Talagang sinabi niya pa iyon sa harap ng mga kaibigan ko? Tatanga-tanga talagang babae! Walang dele kadesa!“Hindi. Kaya huwag kang gag0. Aksidente ang nangyari. Abnormal lang talaga ang babaeng iyon,” walang gana kong sabi.“Well…masyado siyang maganda para maging abnormal. Pinagmamasdan ko ang mukha niya kanina. Parang wala man lang siyang in-apply na make up sa mukha niya. Siguro, kaunting lipstick pero iyon lang iyon,” sabi naman ni Clover.Asar akong natawa. Okay fine, maganda nga naman talaga si Amber para sa isang maid. At sa totoo lang, ngayon lang nagkaroon ng katulad niyang maid dito. Kalimitan sa mga maid dito ay may mga anak na o pamilyadong tao pa. Iyong kaibigan niyang si Liza,
Dernière mise à jour : 2026-07-07 Read More