AMBER GABI NA nang matapos ko ang ilang gawain sa kusina. At palabas na sana ako para tingnan kung may kailangan pa akong gawin nang makita ko si Haven na papunta sa sala. Agad akong napatingin sa kanya dahil bihira siyang lumapit sa akin kapag marami pang tao sa paligid, pero nang makita niyang nakatingin ako ay dire-diretso siyang lumapit at huminto sa harapan ko. “Amber, may sasabihin ako sa iyo. Bukas aalis kami ng buong pamilya dahil pupunta kami sa ibang bansa para sa isang importanteng meeting at kasama rin si Marga, kaya halos isang linggo kaming mawawala.” “Ah, ganoon ba? Isang linggo pala? Ang tagal naman. Ibig sabihin, kami-kami lang na mga kasambahay ang maiiwan dito habang wala kayo?” “Oo. May ilang staff na maiiwan para magbantay sa mansyon, pero hindi na kami magtatagal dito bago umalis dahil may kailangan kaming puntahan agad pagdating namin doon.” “Okay lang. Mag-enjoy kayo roon at huwag mong isipin ang mga gawain dito dahil kaya naman namin ang mansyon. Ako
Last Updated : 2026-08-26 Read more