AMBERMAKALIPAS ANG bente minutos ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng suite. Napalingon agad ako at nakita ko si Haven na may dalang dalawang malaking paper bag. Mukhang naghanap talaga siya ng bukas na restaurant o convenience store dahil ang dami ng laman.“Grabe, ang dami naman niyan. Akala ko isang burger lang ang bibilhin mo, bakit parang bumili ka ng pagkain para sa buong pamilya? Gutom lang naman ako, hindi naman ako buntis.”“Gutom ka raw, kaya bumili ako ng sapat para makapili ka. Hindi ko alam kung ano ang gusto mong kainin kaya halos lahat ng sinabi mo kanina kinuha ko na.”“Sinabi ko na kanina, ha? Pero salamat sa effort! Baka crush mo na ako, ha? Dati parang wala kang pakialam kung kumain ako o hindi, ngayon madaling-araw ka pa lumabas para lang bilhan ako ng pagkain.”“Kapal mo. Bakit naman kita magugustuhan? Nagkakasama lang tayo dahil may nangyayari sa atin, kaya huwag kang gumawa ng sariling kuwento.”“Ah, ganoon? Wala talaga akong chance sa iyo? Ang sakit naman,
Last Updated : 2026-08-18 Read more