AMBERPagsapit ng hapon, halos matapos ko na ang lahat ng kailangang gawin sa opisina nang lumapit sa akin si Haven. Kanina pa niya ako kinukulit na sabay kaming umuwi. Pero dahil may ilang dokumento pa akong kailangang ayusin, pinaghintay ko muna siya. Mabuti na lang at hindi siya nagreklamo at sa halip ay naupo lang sa bakanteng upuan habang abala ako sa trabaho.“Finally! Tapos ka na rin!” masiglang sabi niya nang isara ko ang huling folder.“Ang ingay mo naman. Kanina ka pa diyan, parang hindi ka mapakali,” natatawa kong sagot habang inaayos ang mga gamit ko.“Eh, miss na kita. Buong araw na tayong magkasama pero parang kulang pa rin.” Tumayo siya at kinuha ang bag ko. “Tara na, ihahatid na kita sa condo mo.”“Hindi ka ba pagod? May trabaho ka rin naman sa Del Monte Group.”“Pagod ako, pero nawawala naman kapag nakikita kita.” Ngumisi siya at inilahad ang kamay. “Halika na, bago pa ako magbago ng isip at dito pa kita laplapïn.”“Kadiri ka! Nagiging balahura ka na!” natawa kong sag
Last Updated : 2026-10-10 Read more