JEFFERSON Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko si Annabel na naghihintay sa sala. Halatang hindi siya nakatulog nang maayos dahil magulo ang buhok niya, namumugto ang mga mata, at suot pa rin niya ang damit na ginamit niya kagabi. Pagkakita niya sa akin, agad siyang tumayo at mabilis na lumapit bago ako mahigpit na niyakap. “Jefferson, I'm sorry. Please, patawarin mo ako. Alam kong mali ang ginawa ko sa iyo at kay Amber, pero hindi ko sinasadyang umabot tayo sa ganito. Natakot lang ako na baka tuluyan mo na akong iwan,” umiiyak niyang sabi habang mahigpit na nakakapit sa akin. Agad ko siyang itinulak palayo at umiwas ng tingin. Wala na akong nararamdamang awa sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak, dahil ilang beses na niyang ginamit ang mga luha niya para makuha ang gusto niya. Sa tuwing may babaeng nakakausap ako, pinaghihinalaan niya agad ako. Kapag hindi ko siya napagbigyan, gumagawa siya ng eksena at sinisisi ang ibang tao. Ngayon, pati si Amber na wala namang ginagawang masama sa
Last Updated : 2026-10-16 Read more