AMBERKinabukasan, masayang-masaya akong nag-almusal kasama sina Mama at Noah. Ako mismo ang naghanda ng pagkain namin dahil gusto kong makasama sila kahit sa simpleng bagay lang. Habang kumakain, panay ang kuwento ni Noah tungkol sa mga gusto niyang puntahan sa Manila, samantalang si Mama naman ay natutuwa sa tuwing nakikita niyang maayos ang kalagayan ko rito.“Anak, masaya akong makita kang ganito. Noong nasa probinsya ka pa, palagi kang nag-aalala sa pera at sa mga pangangailangan namin. Ngayon, kahit paano, nakikita kong nakakapagpahinga ka na rin. At may maayos kang trabaho,” sabi ni Mama habang nakangiti sa akin.“Masaya rin po ako, Ma, lalo na ngayon na nandito kayo. Sana nga mas matagal kayong manatili rito para mas marami tayong oras na magkasama,” sagot ko bago uminom ng tubig.“Puwede ba akong magtagal dito, Ate? Gusto ko pang makita ang buong Manila!” singit ni Noah.Natawa ako sa kaniya. “Puwede naman, pero huwag kang magpapasaway. At saka, hindi ibig sabihin na nasa Ma
Last Updated : 2026-10-12 Read more