JEFFERSONNapabuntong-hininga ako nang mailagay na ng mga kasambahay sa maleta ang mga gamit ko. Nasa kuwarto kami ni Annabel, at habang tinitingnan ko ang mga damit na nakasalansan sa loob ng maleta, ramdam ko ang bigat ng desisyong ginawa ko. Hindi madali ang basta na lang umalis sa bahay na matagal ko nang tinirhan, lalo na't narito ang anak ko. Pero mas hindi ko na kayang manatili sa isang pagsasamang araw-araw na lamang ay puno ng pagdududa, pag-aaway, at pagmamaniobra.“Jefferson, please. Huwag mo naman akong iwan nang ganito. Alam kong nagkamali ako, pero asawa mo ako. Hindi ba puwedeng ayusin pa natin ito? Pangako, magbabago na ako at hindi na ako makikialam sa mga ginagawa mo,” umiiyak na sabi ni Annabel habang lumalapit sa akin.Hindi ko siya sinagot at isinara ko ang maleta. Kinuha ko ang hawakan nito at naglakad patungo sa pinto, pero agad niya akong niyakap mula sa likuran. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa akin habang patuloy na umiiyak, na para bang mapipigilan niya ak
Last Updated : 2026-10-16 Read more