HAVEN HINDI MAWALA SA ISIPAN ko ang ginawa ng lalaking iyon kay Amber. Putang1na no'n, ha? Bakit niya niyakap si Amber? Sino ba siya sa inaakala niya? Mayaman ba siya katulad ko? Bilyonaryo ba siya? Namamahala ba siya ng kumpanya? Putang1na! Kung isa lang siyang taé, wala siyang karapatang yakapin si Amber!"Tanginang mukha yan, saan ba gawa iyan! Haven, ano na? Kanina ka pa nakasimangot diyan at hindi nakikinig sa sinasabi namin!" bulyaw ni Clover."Oo nga! Ano ba nangyayari sa iyo, pre? Sabog ka ba? Huwag mong sabihing naka-try ka na rin ng shabu?" sabi naman ni Sebastian."Gag0! Ikaw lang iyon!" bulyaw ko sa kanya.Napakamot ng ulo si Sebastian habang ako naman, mabilis kong inubos ang alak sa baso ko bago muling nagsalin. Parang gusto kong manapak ngayong araw. Kahit na sino, basta mananapak ako. "May kilala ka bang puwedeng sapakin? Babayaran ko na lang."Nagkatinginan silang dalawa bago nagtawanan ng malakas. Habang ako naman, parang wala akong naririnig kahit maingay sa club
Last Updated : 2026-08-29 Read more