Napaayos ako ng upo ng buksan ni Kennedy ang aking sasakyan. Sa akin nga pala sumabay ang kumag na to. Sinabi niya sa driver kung saan siya bababa kaya ng makita naming paalis na ang aking mga kaibigan nagsimula na rin kaming umalis dito. Nag kwento siya ng kung ano ano sa akin, nakinig lang ako pero hindi sumagot. Tumatango lang kapag may sasabihin siya na kaylangan niya ang aking sagot."Siya nga pala dude, diba nakita mo na yung kasama nila Jenny noon Riza Morales ata ang pangalan," sabi niya na ikinalingon ko."Anong meron tungkol sa kanya?" Tanong ko naman na nakapikit, sumasakit ulo ko sa daldal ng lalaking ito."Wala natanong ko lang. Mukhang ok naman siya, single pa kaya yun," aniya na naman na ikinakunot ng aking noo."Don't tell me type mo yun. Naku Mayor Kennedy iwasan mo na at baka masaktan lang siya sayo," kontra ko na ikinatigil niya."Grabe ka naman...ang advance mo namang mag isip...ganyan ba kababa tingin mo sa akin, nakakasakit ka naman ng damdamin," drama niya na ma
Last Updated : 2026-07-11 Read more