Kaya kahit na pagod ako ng hapon na yun, nabalewala yun. Naging masigla ako sa sinalubong na balita sa akin ni Aling Martha. Nawala lahat ng sakit nitong aking katawan, kina usap ko si Aling Martha kung pwedeng puntahan namin sana ngayon para bukas makalipat na ako."Bukas na daw hija, yun na kasi ang nasabi ng kumare ko. Bukas din daw tatawag ang may ari ng bahay, kakausapin ka raw bukas. Kung maging ok na bukas then pwede ka ng lumipat. Tutulungan ka namin ni Onyok (asawa ni Aling Martha). Tutulong rin daw ang kumare ko sa iyong paglipat," aniya na kina ngiti ko."Nakakahiya naman po Aling Martha," sabi ko."Nakow, huwag ka ng mahiyang bata ka. Kilala na kita, lagi nga akong naawa sayo. Kaya nga ng makwento kitang muli sa kumare ko doon niya naalala ang bahay na nililinisan niyang yun," pahayag ni Aling Martha."Ayaw na ba niyang mag linis doon Aling Martha. Paano na ang magiging sahod niya kapag," ani ko."Huwag mong alalahanin yun, matanda na siya at pagod na rin daw. Gusto niya n
Last Updated : 2026-07-23 Read more