Dahil sa nagmamadali akong makauwi na at dahil din sa isang bus na lang ang alam kong kaylangan kong abutan kaya kahit na malakas ang ulan tinakbo ko na lang.Basang basa ako at hingal na hingal ng makarating sa bus stop, mabuti na lang at saktong nandoon na pala ang bus kaya dali dali akong sumakay. Nanginginig ako ng makasakay dahil sa lakas ng aircon nito tapos basa pa ang buo kong katawan."Naku, ineng basang basa ka na. Heto magpunas ka kung ok lang sayo," ani ng mamang driver saka nito inabot ang isang bagong tuwalya na alam kong bago pa dahil may tag pa ito."Salamat ho," ani ko sabay ngiti dito."Walang anuman...siya umupo ka na at ng hindi ka mangawit. Papatayin ko na lang ang aircon tutal malamig naman ang panahon at iilan lang naman kayong sakay ko," ani pa nito."Maraming maraming salamat po talaga," saad ko bago umupo sa bakanteng upuan malapit sa harapan.Tumango naman ang driver bago tumutok sa daan ang tingin nito. Nanlalamig ako kaya ang tuwalyang binigay sa akin ng m
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-10-02 อ่านเพิ่มเติม