Naglaway ako ng dumating ang order naming pagkain. Nag order si Glorina ng sisig na maanghang, lehon belly at bicol express. Kumuha din siya ng gulay para may gulay din kami."Girl...wala bang may sabaw, puro mga dry naman itong mga ito," saad ko."Glenda pa order pa ng sinigang na hipon," ika ni Glorina."Baka naman lulutuhin pa yun nakuuuu," pahayag ko."Nope, I saw it there...Nahagip ko kanina," sabi nito."Ok kung ganon...tara kain na tayo para makabalik na sa trabaho natin mamaya," ani ko.Tumango ito kaya nagsimula na kaming kumain. Dahil sa gutom na gutom na rin ako kaya hindi ko na pinansin pa ang mga taong dumarating. Ni hindi na nga namin napansin na marami na palang mga taong nagsisidatingan. Nagulat pa nga ako ng sipain ako ni Glorina kaya napatingin ako dito. May nginuso ito kaya tumingin ako doon.Nagulat ako ng may dalawang babaeng nakatayo sa aming harapan. Napa upo ako ng maayos sabay punas sa aking bibig. Nginuya ko ang nasa aking bunganga, puno pa man din ito kaya
Last Updated : 2026-08-25 Read more