Napipi ako sa kaniyang harapan hindi ko alam ang aking isasagot sa babaeng ito. Ibang iba na siya ngayon, nakakagulat siya na nakakatuwa. "Have you eaten already," mga katagang lumabas sa aking bibig. Imbes na magalit ako dito dahil sa na late siyang umuwi pero ibang kataga ang lumabas sa bibig ko."It's almost 2 in the morning so yeah I ate already duhhhh.... Ikaw bakit gising ka pa," pahayag nito habang nakatingin sa kaniyang relo."Kakauwi ko lang din," wala sa sariling sagot ko."Ok...Siya sige at kaylangan ko ng matulog," paalam nito. Tumango ako sa kaniya at hinayaan na itong pumasok sa kwarto niya. Kahit na gusto ko pa siyang kausapin pero wala namang katagang gustong lumabas sa bibig ko kaya kahit labag sa loob ko hinayaan ko na lang siya.Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin sa ngayon, baka nga kaylangan ko na talagang maghanap din ng girlfriend para maibaling ko sa iba ang pagkakahumaling ko sa kaniya. Aminin ko man o hindi pero yun ang katotohanan.Kinabukasan n
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-10-02 อ่านเพิ่มเติม