Nakatitig lang si Megan sa laptop niya. Hindi niya magawang makapagfocus sa trabaho niya. Nakatingin lang siya sa mga news tungkol sa kaniya. Halos siya ang laman ng mga balita, sa Pilipinas man at sa ibang bansa na nakikilala siya.Marami na rin ang nangangamusta sa kaniya. Hindi niya naman magawang replyan isa-isa ang lahat kaya hinayaan niya na lang na magmessage ang mga ito sa kaniya.Kahit na pumapasok siya sa office niya, wala naman siyang nagagawa. Ayaw niya sanang i-take advantage ang kabaitan ni Rico sa kaniya pero walang pumapasok sa isip niya.Sumandal na lang siya sa upuan at tumulala sa kisame na para bang may makukuha siyang sagot sa mga tanong niya.Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa kaniya kung sino ang pumoprotekta sa kaniya. Kung ang Lolo Arnaldo niya naman, hindi siya sigurado kung buhay pa ba ito at ang lola niya Emilia niya. 2nd year high school pa lang siya noon nang huli niyang makita ang Lolo at Lola niya bago umuwi ang mga ito sa Germany. Simula noon, wala n
Read more