Tipid na ngumiti si Megan sa Senyora Del Valle. Kinakabahan siya dahil baka masabi niya ang pangalan niya gayong pangalan ni Mariel ang kilala nila.“Please have a seat, darling.” Nakapainit ng pagtanggap sa kaniya ng mga tao sa mansion.“Issa, kunin mo ang gamit ni senyora mo at idiretso mo na sa magiging kwarto niya rito.” Utos ni Senyorita Estrella. Kinuha naman ng isang babaeng dalaga ang bag niya. Bahagya niya itong nginitian at pinasalamatan. Malaki ang bahay nila sa Manila pero tila ba bigla itong nanliit sa mansion ng mga Del Valle.“Kumusta ang byahe mo, iha? Bakit hindi mo kasama si Evelyn?” Napatikhim muna si Megan para hindi siya mautal sa pagsagot.“Nasa Australia po siya sa ngayon ma’am.” Nahihiya niyang sagot. Napapangiti naman si Estrella.“Lola, tawagin mo na lang akong lola, iha. Hindi na kita makilala dahil ang laki-laki mo na. Sa tingin ko two years old ka pa lang noong huli kitang nakita. Ang ganda ganda mong bata, Mariel. Ang tagal-tagal kitang hinintay na makauw
Last Updated : 2026-06-15 Read more