Natutop ni Mariel ang mga labi niya ng marealize niya na kung anong nangyayari. Kalmado lang naman si Megan. Hindi niya na kailangang magpaliwanag dahil sa itsura pa lang ni Mariel, alam niyang alam na nito kung sino ang ama ng anak niya.Napailing-iling si Mariel saka ito bahagyang natatawa na tila ba ayaw pa niyang paniwalaan ang naiisip niya.“No, tell me mali lang ang iniisip ko. Hindi mo anak ang batang yan hindi ba? Hindi mo anak ang anak ni Megan. Akira, please tell me this is just a joke. A prank, right? Please, I’m begging you.” Desperadang sambit ni Mariel.Hirap na hirap na siyang lumaban kay Megan, paano pa siya makakalaban ngayon kung talo na siya? Kung may anak na pala si Akira at Megan?“Bakit ko naman sasabihin yun? Hindi ko itatanggi ang anak ko, Mariel. Ethan is our son. Anak namin siya ni Megan and you need to accept this. As you can see, I already have a family, Mariel. Hinding hindi na matutuloy ang kasal natin, hinding hindi na kita pakakasalan. You can take my i
Read more