Hindi maalis sa isip ni Megan ang mga sinabi ni Mariel kahit na nakauwi na siya sa bahay nila. Tulala siyang umiinom ng kape. Hindi niya alam kung nakailang baso na ba siya ng kape sa buong maghapon.“Mommy, are you okay po?” Nag-aalalang tanong ni Ethan sa mommy niya.“Come here, honey.” Ani ni Megan sa anak niya. Lumapit naman kaagad si Ethan saka niya ito niyakap.“What is going on po mommy? Are you and Daddy okay po? He hasn't come home here for five days, Mommy, and I'm worried about him.” Kumalas na si Megan sa yakap niya sa anak niya saka niya hinaplos ang mukha nito. Wala na siyang oras sa anak niya dahil masyado siyang busy sa trabaho niya tapos ang dami pang nangyayari sa buhay nila.“He's fine, we just had some things to argue about with your dad. Right now we're not talking because I don't have time to deal with him, baby. You don't understand yet, but there are things I have to prioritize over my relationship with your dad.” Seryoso niyang sagot sa anak niya. Wala siyang
Read more