Iniwas ni Yuna ang paningin niya. Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang maramdaman na kasama niya na naman si Sandro. Pero kapag iniisip niyang nakatakda na siyang ikasal kay Mikee, hindi niya maiwasang hindi malungkot. Ayaw niya namang madamay si Sandro at ayaw niyang gamitin si Sandro para lang makatakas sa kasal na yun.“Hindi naman kailangan yun. Ayaw makasal kapag minadali lang. Oo, gusto kita. Ikaw ba, gusto mo ba ako? Hindi naman diba? Ayaw ko ng one-sided love lang. Hindi ka magiging masaya sa akin at ayaw kong pagdating ng panahon ay saka ka magsisi at iwan ako. Hindi naman siguro ako mabubuntis lalo na at isang beses lang naman yun. Ang sabi nila kapag unang beses lang ginawa at isang beses, hindi ka mabubuntis.” Saad niya kahit na alam niyang imposible yun lalo na at mahilig siya sa mga medical.Hilaw namang natawa si Sandro.“I’m a future doctor, Yuna. Sa tingin mo ba hindi ko alam kung anong sagot sa sinabi mo? Malaki pa rin ang posibilidad na mangyari yun kaya kapag
Read more