Hating gabi na at patuloy pa rin ang pagbagsak ng malakas na ulan sa buong Metro Manila pero nasa labas pa rin si Akira. Nakatingin lang siya sa balcony ng bahay ni Megan, umaasa na baka silipin siya nito pero hindi niya nakita kahit anino man lang ni Megan. Kanina pa siya nilalamig at basang-basa ng ulan. Kanina pa rin nakamasid si Damon kay Akira. Sa tingin niya ay walang planong umuwi si Akira hangga’t hindi niya nakikita si Megan kaya hindi niya na natiis. Bumaba na siya ng sasakyan niya habang hawak ang isang malaking payong at nilapitan si Akira. “Let’s go, bro. Huwag mo munang ipilit na mapapatawad ka niya kaagad. Nasaktan si Megan at kailangan mong intindihin yun. Bigyan mo muna siya ng space at time na makapag-isip. Masyadong malaking kasalanan yung pagdududa mo sa kaniya eh. Let’s go, ihahatid na kita.” Hinawakan ni Damon sa kamay si Akira pero inalis ni Akira yun. “No, I want to talk to her. I need to fix my family. Ano bang ginagawa mo rito? Nakasunod ka na naman ba ka
Read more