Hindi maalis sa isip ni Megan kung bakit hindi sumama si Akira sa fashion event ng Altiora dito sa France. Bakit pinili nitong manatili sa Pilipinas? Si Akira ang CEO ng Altiora pero wala ito sa isang mahalagang event na pinuntahan ng kompanya nila.“Megan, hey, are you okay?” Agaw atensyon ni Rico dahil kanina pa niya pansin na tulala si Megan. Ikinurap-kurap ni Megan ang mga mata niya saka siya bahagyang bumuntong hininga.“Yeah, I’m fine.” Tanging sagot niya pero alam ni Rico na may malalim na iniisip si Megan.“Tungkol ba ito sa sinabi ko kanina? Nagtataka ka ba kung bakit wala si Akira?” Hindi naman sumagot si Megan. Iniisip niya lang kung bakit wala si Akira rito. Posible bang may kinalaman ang paghahabilin niya sa anak nila? Maiintindihan niya naman kung sakaling hindi mababantayan ni Akira ang anak nila lalo na kung may mahalaga pala itong pupuntahan.“Alam mo, pati ako nagtataka kung bakit wala si Akira rito eh. Nandito ka naman at nandito rin ang team ng Altiora. Hindi ba si
Read more