Rumors Amara's POV "Ma'am! Ma'am!" Halos tumatakbo si Liza, isa sa mga kasambahay, papunta sa dining room habang hawak ang tablet. Kakababa ko pa lang para mag-almusal. Nandoon na rin si Damien, tahimik na umiinom ng kape at nagbabasa ng business news. Mukhang normal ang lahat. Hanggang sa inilapag ni Liza ang tablet sa mesa. "Trending na po kayo!" Napakunot-noo ako. "Ano?" Mabilis kong tiningnan ang screen. At halos mabilaukan ako sa nakita ko. Sa pinakaunang pahina ng entertainment news ay naroon ang litrato namin ni Damien. Ang litrato noong gabi ng brownout. Noong magkayakap kami sa balcony ng mansion. Malinaw ang kuha. At mas malinaw ang headline. "THE DEVIL FINALLY FELL? Damien Montenegro Caught Hugging His Wife!" Kasunod pa nito ang iba't ibang balita. "Montenegro Couple Secretly in Love?" "The Cold Billionaire Softens Only for His Wife." Napapikit ako. "Naku..." Mahina kong bulong. Pagtingin ako kay Damien... Tahimik pa rin si
Read more