Humiliation Damien's POV PAK! Parang huminto ang oras nang marinig ko ang malakas na tunog ng sampal. Unti-unting lumingon si Amara. Namumula ang kanyang pisngi. May bahid ng luha ang kanyang mga mata, ngunit pilit niya iyong pinipigilan. Samantala... Si Celeste Navarro ay nakatayo sa harap niya, tila proud sa ginawa. Tahimik ang buong conference hall. Lahat ng executives, empleyado, at media ay nakatingin sa aming tatlo. At sa sandaling iyon... May isang bagay na tuluyang nabasag sa loob ko. "Celeste." Malamig kong tawag. Napangiti siya. "Yes, Damien?" Ngunit hindi na ako nagsalita. Diretso akong naglakad papunta kay Amara. Huminto ako sa kanyang harapan. Marahan kong hinawakan ang kanyang namumulang pisngi. "Are you okay?" Mahina kong tanong. Hindi siya agad sumagot. Bahagya lang siyang tumango, ngunit nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata. At sapat na iyon para tuluyan akong magalit. Amara's POV Hindi ko inaasahang lalapit si Damien. Lalo na pagkatapos
Read more