MasukNang sumunod na umaga, habang nakatayo si Eiden sa may hagdanan at nag-aayos ng kaniyang necktie bago pumasok sa opisina, dahan-dahang bumaba si Kiara mula sa ikalawang palapag. Mukhang handa na ito para sa araw, pero wala na rito ang dating pormal na kasuotan para sa trabaho.Lumingon si Kiara kay Eiden. Ang mga mata niya ay nanatiling walang emosyon, diretso at malamig ang titig. “Hindi na ako magtatrabaho sa Fierro Group, at wala na rin akong balak maghanap ng ibang trabaho,” walang kagatol-gatol na wika ni Kiara. “Tutal napakayaman mo naman pala at ikaw ang CEO, responsibilidad mong buhayin ako at ang mga bata. Ibibigay ko ang buong oras at buhay ko rito sa bahay at sa kambal, kaya ikaw ang magbibigay ng lahat ng kakailanganin namin.”Napatigil si Eiden sa pag-aayos ng kaniyang necktie. Sa halip na magalit o mag-alinlangan, isang ngiti ang dahan-dahang sumilay sa kaniyang mga labi. Wala man lang lumabas na kahit anong pagtutol sa kaniyang bibig. Natutuwa nga si Eiden dahil hind
Napalunok si Eiden. Wala na siyang pakialam kung magmukha siyang desperado o katawa-tawa pero hindi niya kayang mawala ang pangalawang tamang desisyon sa buhay niya, si Kiara. “Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo lang ako. Isusuko ko ang posisyon ko sa kumpanya, lilipat tayo kahit saan mo gusto, susundin ko ang lahat ng conditions mo. Just give me a chance, Sweetie. Nais kong ipakita sa’yo ang pagmamahal ko, ang pagsisisi ko.”Sa wakas ay humarap si Kiara kay Eiden, pero ang mga mata niya ay napakalamig. Wala nang bakas ng dating lambing. “Mahiya ka sa mga bata,” malamig na wika ni Kiara. “'Wag kang gumawa ng eksena sa harapan ng mga bata o ipahalatang may hindi tayo pagkakaunawaan. Let’s keep it to ourselves. Hindi nila deserve na madamay sa gulo natin, Eiden.”Mabilis na tumayo si Eiden. Umaasa siyang may lalabas na magandang balita. “I-I am sorry. I-I couldn't think straight. H-Hindi ko na uulitin.” “Makinig ka sa akin dahil isang beses ko lang 'tong sasabihin,” diretsong
Nang makaalis si Donya Felomina, hindi pa nakakagalaw si Kiara sa kaniyang kinauupuan nang marinig ang mabilis na yabag ng maliliit na paa sa hagdan. “Mommy Kiara!” sabay na sigaw nina Kairo at Kara.Patakbong lumapit ang dalawang bata at agad na yumakap sa Mommy Kiara nila.Napapikit si Kiara habang nanginginig ang kaniyang mga balikat. Hindi niya napigilang yakapin din nang mahigpit ang dalawang bata habang inaasam-asam ang amoy at init ng mga ito. “Mommy, binalikan mo na po ba kami?” tanong ni Kara habang nakatingin sa kaniyang Mommy, may luha sa malalaking mata niya. “Sabi po ni Daddy galit ka raw po sa amin...” “Hindi, baby... Hindi ako galit sa inyo. Huwag niyong isipin 'yan,” mahinang sagot ni Kiara habang pinupunasan ang pisngi ni Kara. Lumapit din si Kairo at humawak sa kamay niya. “Mommy... mahal mo pa po ba kami ni Kara? Aalis ka po ba ulit? Iiwan mo na po ba kami kasi nagsinungaling kami sa’yo noon?”Tinitigan ni Kiara ang dalawang bata. Durog na durog ang puso niy
Ilang araw ang lumipas at nagpasya si Kiara na bumalik sa dating apartment nila ni Eiden. Ang dahilan niya sa kaniyang sarili ay may mga mahahalagang gamit at dokumento pa siyang naiwan doon. Pero sa kaibuturan ng puso niya, alam niyang naiisip niya lang talaga ang mga bata at ang simpleng buhay na binuo nila roon.Nang pumasok si Kiara sa pint0 gamit ang kaniyang ekstrang susi, laking gulat niya nang makita niyang nakakalat sa sala ang ilang mga laruan nina Kairo at Kara. Bago pa man siya makapagproseso, lumabas mula sa kusina ang isang eleganteng matandang babae na may dalang baso ng tubig — si Donya Felomina, ang ina ni Eiden. “Kiara...” mahinang bati ni Donya Felomina nang makita niya ito.“N-Nanay—I mean, Ma'am Felomina...” gulat at naiilang na wika ni Kiara. “Nandito po pala kayo? Nasaan po ang mga bata?”“Nasa taas sila sa kuwarto, naglalaro. Papatulugin ko dapat kanina pa pero ayaw pa raw nilang matulog at hinihintay ka nila,” sagot ni Donya Felomina habang itinuturo niya an
Sa loob ng dating silid ni Eiden sa mansyon ng mga Fierro, nakahiga lang siya sa malaking kama. Binalot ng kadiliman ang buong kuwarto dahil nakasara ang mga kurtina. Wala pa halos siyang tulog. Ni hindi pa rin siya kumakain, at wala siyang anumang ganang kumilos o bumangon. Nakatitig lang siya sa kisame, tulala at dinudurog ng matinding pagsisisi. Iyon ang naging cycle ni Eiden sa ilang araw na pamamalagi niya sa mansyon.Biglang dahan-dahang bumukas ang pinto ng silid. Pumasok sina Kairo at Kara, dala-dala ang kanilang mga laruan. Nang makita nilang nakahiga pa rin ang kanilang ama kahit tanghaling-tapat na, agad na tumakbo ang dalawang bata patungo sa kama at umakyat sa gilid ni Eiden. “Daddy! Bangon na po riyan!” pagpupumilit ni Kara habang kinakalabit at hinihila ang braso ng kaniyang ama.n“Uwi na po tayo sa bahay natin!” “Oo nga po, Daddy,” dagdag ni Kairo na nakatayo sa ibabaw ng kama.n“Nakahanda na po 'yong mga bag natin. Gusto na po naming makita at makasama si Mommy Kiar
Kinabukasan, pagkamulat pa lang ng mga mata ni Kiara sa maliit na silid ng apartment ni Anna, agad na bumuhos ang kaniyang mga luha. Nasanay siyang tuwing umaga ay ginigising niya ang mga bata o 'di kaya ay sila ang gumigising sa kaniya. Namimiss niya ang mga tawa ng kambal habang nag-aagawan sa almusal, at ang malalambing nilang boses na tumatawag sa kaniya ng "Mommy."Napayakap si Kiara sa kaniyang mga tuhod habang pilit na ginagapang ng matinding pangungulila ang kaniyang dibdib. Miss na miss na niya ang mga bata. Kahit kailan ay hindi niya inisip na iba sila sa kaniya. Anak ang trato niya sa mga ito. “Kiara...” Mabilis na pumasok si Anna sa silid dala ang isang tasang mainit na kape nang marinig niya ang patagong hikbi ng kaniyang kaibigan. Agad siyang tumabi sa kama matapos niyang ipatong sa ibabaw ng bedside drawer ang tasa, pagkatapos ay hinawakan niya ang balikat ni Kiara.“Miss na miss ko na ang mga bata, Anna...” basag na basag ang boses na usal ni Kiara habang nakasandal
“Kaya mo 'to, Kiara. Para sa promosyon at mas mataas na sahod!” bulong ni Kiara sa kaniyang sarili habang nakatingin siya sa mataas na gusali kung saan siya nagtatrabaho. Bumuntong hininga muna siya bago siya naglakad papasok ng mall.Makalipas ang limang taon ay walang ibang ginawa si Kiara kung h
“Kairo, what the hell are you doing? Ibinubugaw mo ang sarili mong ama sa babaeng hindi mo naman lubusang kilala? Are you out of your mind? At saka, bakit ba hindi kayo nangongo-po sa akin ha?” may inis na turan ni Eiden ngunit hindi siya pinansin ng kaniyang anak.Mas lumapit pa si Kairo sa babae.
Mabilis na bumukas ang pinto ng sasakyan at nagmamadaling bumaba si Eiden. Agad na nag-unahan ang kaba at galit sa kaniyang dibdib habang pinagmamasdan niya ang mabilis na pagtakbo ng kambal patungo sa madilim at mataong bahagi ng parke.“Kairo! Kara! Bumalik kayo rito!” sigaw ni Eiden, ngunit tila
Pagod na sumandal si Eiden sa back seat ng kaniyang marangyang SUV habang tinatahak ang kahabaan ng kalsada mula sa paliparan. Kakalapag lang ng kanilang eroplano mula sa limang taong pananatili sa Amerika kung saan niya pansamantalang pinalaki ang kambal.Sa tabi ni Eiden ay tahimik na naglalaro s







