"You're having a vacation here?" tanong niya sa akin habang sumasandal sa kanyang upuan.Kanina pa siya nakikipagkwentuhan dito at kanina ko pa rin hinihintay ang pagbabalik ni Luna. Nasaan na kaya ang babaeng 'yon? Panay ang sulyap ko sa pasilyong pinuntahan niya, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya."Yes. Noong Martes lang kami dumating, at aalis na rin kami mamayang hapon," sagot ko.Tumango siya habang nakatitig sa akin. "That's sad, though. Actually, it's my first time here in Boracay," nagkibit-balikat siya."Really? May kasama ka naman ba rito? Medyo matao ngayon dahil madalas naman talaga itong pasyalan ng mga turista kapag ganitong season. So, you don't normally live here in the Philippines?"Sa totoo lang, habang tinititigan ko siya nang malapitan, guwapo talaga siya. Para siyang isang international model sa tindi ng mga facial features niya."I live in London, but my parents live here. Nagbakasyon lang talaga ako rito, alam mo na. I missed the air of the Philippines,"
Baca selengkapnya