Maya-maya pa ay natanaw namin si Leo na may dalang mga paper bag ng pagkain galing sa isang mamahaling restaurant. Agad akong sinundot ni Luna sa tagiliran."Sino 'yan?" bulong niya, bahagyang nanlalaki ang mga mata sa kuryosidad.Napairap ako sa naging reaksyon niya. Sa pagkakaalam ko ay may boyfriend na siyang pulis, pero kung makatingin ngayon ay parang single. "Si Leo, driver ni Nikolai," sagot ko.Kagat-labing sinundan niya ng tingin si Leo nang makarating ito sa tapat namin. Banayad na yumukod ang lalaki sa amin bago pumasok sa loob ng apartment. Mabilis ko namang siniko si Luna."Maghunos-dili ka nga. May boyfriend ka na, 'di ba?" saway ko sa kanya.Sinimangutan niya ako at inirapan. "Ito naman, syempre naman! Loyal ako kay Jake, mahal na mahal ko 'yon, no!"Nagtagal pa kaming dalawa roon sa labas ng balkonahe hanggang sa lumabas na rin si Nikolai para ayain kaming pumasok sa loob."Let's eat," aniya habang sumusungaw sa pinto.Tinignan ko si Luna na may nakakalokong ngiti sa
Baca selengkapnya