“Maya! Maya, babe, are you in there?!”Palapit nang palapit ang boses ni Kenji. Naririnig ko na rin ang ingay ng ilang reporter na sumusunod sa kaniya, nagtatanong tungkol sa kontrobersiyal na halik nila ni Chloe sa live broadcast. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sasabog na yata ako sa halo-halong emosyon—galit, hiya, at takot. Ang huling gusto kong mangyari ngayon ay ang makorner ng media habang mukha akong basang sisiw.Tumingin ako kay Nikolai. Mas lalo lang lumapad ang mapang-asar na ngiti sa labi niya habang nakatingin sa nagpapanic kong mukha.“What now, Professor? Ready to face your cheating prince?” Hinawakan niya ang knob ng pinto para buksan ito.“Wait! Please, huwag!” Sa sobrang desperasyon ko, binitawan ko ang pride ko at hinawakan ang braso niya. “Huwag, Please!"Tinitigan niya ang kamay ko na nakahawak sa kanyang braso. Binitawan ko naman agad ito na parang napaso. He let out a cold, sharp breath. Sa halip na sumagot, lumingon siya sa gilid ng kwarto kung saan m
Last Updated : 2026-06-17 Read more