LOGINSa araw na dapat sana'y pinakamasaya para kay Professor, Maya Trinidad, doon mismo winasak ang puso niya. Sa harap ng buong bansa, nasaksihan niya ang pagtataksil ng nobyo niyang si Kenji Sandoval, isang sikat na race car driver, ang ka-trabaho matapos manalo sa Grand Apex International Cup. Habang pilit niyang tinatakasan ang kahihiyan, aksidente siyang napadpad sa pribadong locker room ng malamig at aroganteng si Nikolai Sandoval—ang nakatatandang kapatid ni Kenji at kilalang "King of the Track." Sa unang pagkikita pa lang nila, nagbanggaan na ang kanilang mga personalidad. Akala ni Nikolai isa lamang siyang babaeng habol ang pera, habang para kay Maya, isa itong mayabang at walang pusong bilyonaryo. Ngunit isang hindi inaasahang pagkakataon ang magdudugtong sa kanilang dalawa. Ang munting si Tala Sandoval, ang makulit ngunit malungkot na anak ni Nikolai, na agad nagdesisyong si Maya ang gusto niyang maging bagong mommy. Mula sa isang simpleng pagkikita, nauwi ito sa isang nakakagulat na marriage proposal. Ngunit paano tatanggapin ni Maya ang alok ng lalaking naniniwalang lahat ay kayang bilhin ng pera? At paano kung ang pekeng relasyon na nagsimula dahil sa isang bata ay unti-unting maging totoo? Sa mundo ng karera, kayamanan, at mga lihim ng pamilya Sandoval, kaya bang lampasan nina Maya at Nikolai ang kanilang mga sugat sa nakaraan upang matagpuan ang totoong finish line ng pag-ibig?
View MoreMAYA'S POV
“Go, Kenji! Wooo!” Halos mawalan ako ng boses sa pagsigaw habang iwinawagayway ang hawak kong banner sa VIP section ng Grand Apex Velocity Arena. Ang ingay ng paligid. Bawat ugong ng makina ng mga sports car ay yumayanig sa dibdib ko. Pero wala akong pakialam. Lahat ng pagod ko bilang college instructor, ang maghapon na pagwawasto ng mga test paper ng mga pasaway kong estudyante ay biglang napawi. Ngayong araw ang Grand Apex International Cup (GAIC). At ang boyfriend ko na si Kenji Sandoval ang nangunguna sa karera. “And car number 7 crossess the finish line! Kenji Sandoval wins the championship!” Gumalaw ang announcer sa giant LED screen. Napatalon ako sa tuwa, halos maiyak habang nakikita ang sasakyan ni Kenji na nag-drifting sa gitna ng track. Proud na proud ako, syempre boyfriend ko 'yan! Dali-dali akong bumaba mula sa VIP stands bitbit ang isang bote ng tubig at tuwalya. Gusto ko siyang salubungin sa pit lane bago pa siya dagsain ng mga reporter. At dahil girlfriend niya ako, kilala ako ng mga security guards kaya hinayaan nila akong makapasok sa restricted area. Habang naglalakad sa hallway patungo sa awarding area, napansin kong nakatutok ang lahat ng tao sa mga monitor. May malalaking TV screens din sa bawat sulok. Ang kakaiba lang, imbis na magdiwang, biglang naging tahimik ang mga crew. Ang iba pa ay dahan-dahang lumingon sa akin, ang lalaki ng mga mata na tila naaawa. Anong meron? Bakit ganyan sila makatingin? Kusa ring napadako ang tingin ko sa pinakamalapit na screen. Live broadcast ang pinapalabas. Nandoon si Kenji, kakababa lang sa kaniyang race car, suot ang kaniyang racing suit. Pero hindi siya nag-iisa. May isang babaeng tumakbo palapit sa kaniya. Naka-crop top ito at high-waisted shorts, fit na fit ang katawan. Agad na binuhat ni Kenji ang babae sa baywang at inikot-ikot ito. Nalaglag ang hawak kong banner. Ang puso ko, parang biglang piniga sa sakit. Hindi ako pwedeng magkamali. Kabisado ko ang mukha ng babaeng iyon. Si Chloe. Si Chloe na co-worker ko sa unibersidad, ang katabi ko sa faculty room na palaging nagtatanong tungkol sa mga hilig ni Kenji dahil 'fan' daw siya. Sa harap ng daan-daang camera, sa harap ng milyong-milyong taong nanonood ng live telecast, hinawakan ni Kenji ang mukha ni Chloe at hinalikan ito nang matagal. Sa labi. Tangina. Grabe, ang sakit pala kapag ang tiwala mo ay dinurog sa harap ng buong mundo. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig habang pinapanood silang magyakapan sa screen. Ang lalakeng inalagaan ko, ang lalakeng akala ko ay tapat sa akin, ay kasalukuyang nakikipagpalitan ng laway sa babaeng halos araw-araw kong kasama sa trabaho. Hindi ko na namalayan na tumutulo na ang luha ko. Ang mga bulungan ng mga tao sa paligid ay nagsisimula nang pumasok sa tenga ko. “Hala, si Maya 'di ba 'yan? 'Yung totoong girlfriend?” “Kawawa naman, pahiya sa buong bansa.” Hindi ko kaya. Gusto kong magtago. Hindi ko kayang harapin si Kenji ngayon dahil baka makasakit lang ako ng tao. Humakbang ako pabalik, tumalikod, at nagsimulang tumakbo sa kung saan-saang direksyon sa loob ng arena para lang takasan ang mga matang nakatingin sa akin. Patuloy ang pag-agos ng luha ko habang lumalabo ang paningin. Nakarating ako sa isang pribado at tahimik na hallway kung saan nakalinya ang mga mamahaling locker room ng mga elite racers. Nanghihina ang mga tuhod ko. Kailangan ko ng matataguan. Nakakita ako ng isang pinto na may nakasulat na 'RESTRICTED: AUTHORIZED PERSONNEL ONLY.' Bahala na. Pinihit ko ang door knob at mabilis na pumasok, sabay sara ng pinto sa likod ko habang nakasandal ako rito, humihingal at umiiyak. “Ah... w-walanghiya,” bulong ko sa sarili ko, habang pinupunasan ang basang mukha. “What the hell are you doing here?” Isang malalim, baritono, at sobrang lamig na boses ang bumasag sa katahimikan ng kwarto. Napatalon ako sa gulat at napatingin sa unahan. Halos mabulunan ako sa sarili kong laway. Nakatayo sa gitna ng marangyang kwarto ang isang lalaki. Half-naked siya at naka-racing pants lang na nakababa sa balakang, habang may puting tuwalya sa leeg. Kitang-kita ko ang perpektong six-pack abs at malalapad na balikat sa ilalim ng liwanag. Pero mas nakakatakot ang mukha niya. Matangos ang ilong, matalim ang panga, at ang mga mata ay parang yelong nakatitig sa akin. Si Nikolai Sandoval. Ang panganay na kapatid ni Kenji. Ang itinuturing na 'King of the Track,' ang multi-billionaire CEO ng Sandoval Group na kilala sa pagiging walang puso at suplado. “I asked you a question,” seryosong ulit niya, habang dahan-dahang humahakbang palapit sa akin. May hawak siyang bote ng tubig at mukhang bagong ligo. “Bakit ka nandito? How did the security let a gold-digger like you slip inside my room?” Aba, teka. Gold-digger? Mukha ba akong gold-digger sa lagay na 'to? “H-Hindi ako gold-digger, Naligaw lang ako. At tsaka... m-may emergency.” Nikolai smirked, a cold, mocking sound escaping his lips. Lumapit pa siya lalo, kaya naman napilitan akong sumandal nang husto sa pinto. Amoy na amoy ko ang mamahalin niyang cologne na may halong amoy ng shampoo. “Emergency? Oh, right. I saw the screen,” sabi niya, sabay turo sa maliit na TV sa loob ng kwarto niya na nagpapalabas pa rin ng interview ni Kenji at Chloe. “You’re Kenji’s background girl. So, pinanood mo kung paano ka ipagpalit ng kapatid ko sa mas kaakit-akit na babae, at ngayon ay pumasok ka sa kwarto ko para subukang akitin ako? Is that your backup plan to stay rich?” Napanganga ako sa narinig ko. Ang kapal ng mukha ng lalaking 'to! Oo, guwapo siya, pero ang ugali niya ay mas maitim pa sa gulong ng race car niya! Katatapos lang akong lokohin ng kapatid niya, at ngayon naman ay hinuhusgahan niya ang pagkatao ko? “Excuse me? Mukha ba akong nang-aakit sa'yo?!” gigil kong sabi. “Pumasok ako rito dahil kailangan ko ng matataguan! Hindi ko alam na kwarto mo 'to! At hinding-hindi ko ipagpapalit ang dignidad ko para lang sa inyong mga Sandoval!” “Then get out,” malamig niyang utos, sabay talikod sa akin na tila ba dumi lang ako na istorbo sa paningin niya. “I don’t waste my time with desperate women. Umalis ka bago ko tawagin ang security at ipakulong ka.” Sasagot pa sana ako nang biglang may marinig kaming mga mabibigat na yabag ng sapatos sa labas ng pinto. Kasunod noon ang pamilyar na boses na naging sanhi ng pagkadurog ng puso ko ilang minuto lang ang nakalipas. “Maya! Maya, nasaan ka ba?! Sabi ng security nakita ka nilang dumaan dito!” boses iyon ni Kenji. Nanlaki ang mga mata ko. Tumingin ako kay Nikolai na ngayon ay nakataas ang isang kilay sa akin at may mapang-asar na ngiti sa kaniyang mga labi. Kapag lumabas ako ngayon, mahuhuli ako ni Kenji at ng mga reporter na nakasunod sa kaniya. Magiging malaking iskandalo ito.Hinampas ko siya sa kaniyang balikat. Humalakhak siya at inilayo ang mukha sa akin. Binunot niya ang cellphone sa kaniyang bulsa bago ito ibinigay sa akin.Kinuha ko iyon mula sa kaniya at inirapan siya. "Baliw."Tumawa lamang siya at bumalik sa kaniyang ginagawa na parang walang nangyari.Mabilis kong tinipa ang number ni Chloe. Hindi ko kasi kabisado ang bagong numero ni Luna dahil pinalitan niya iyon. Nagpatuloy naman si Nikolai sa kaniyang pagluluto, sumandal ako sa countertop habang pinagmamasdan siya sa kaniyang ginagawa, hinihintay ang pagsagot sa kabilang linya."Hello?" boses iyon ni Chloe sa unang ring pa lang. Ngunit bago pa ako makapagsalita— "Tara na! Chloe! Tangina nito, nakikipagtawagan pa sa mga lalaki niya!" narinig kong boses naman ni Luna sa background.Napalunok ako bigla. Puno ng tensyon at mukhang nagkakagulo nga sila roon."Baliw! May tumatawag na unregistered number!" sagot naman ni Chloe sa kaibigan ko, pilit itong pinatatahimik. "—Baka scammer iyan, hingan
It's been one day since we started investigating. We talked a lot yesterday about the past, siyempre. Masakit, nakakapagod, pero kahit paano ay nabawasan ang tinik sa dibdib ko.Kaya nga lang, dahil sa dami ng nalaman ko, ngayon ko lang din naalala na hindi ko pa pala natatawagan sina Luna! Imposibleng hindi sila nagpapanic sa pagkawala ko!Pumasok ako sa kusina, at naabutan ko kaagad si Nikolai na seryosong nagluluto. Bahagya akong tumigil sa may hamba ng pintuan at tahimik siyang pinagmasdan mula sa likod. He was wearing nothing but sweatpants, showing off his broad shoulders and the flexing muscles of his back as he moved around the kitchen.Biglang gumuhit ang tipid na ngiti sa aking labi. Feeling ko, panaginip lang ang lahat ng ito. Sa isang gabi lang, biglang nagbago ang takbo ng mundo ko.Tila naramdaman niya ang presensya ko kaya lumingon siya sa aking pinanggalingan.Naabutan niya akong parang sirang nakangiti habang nakatitig sa kaniya kaya naman agad na tumaas ang kaniyang
Looking back, I was just a simple woman who deserved to love and be loved. Ang gusto ko lang naman noon ay mamuhay nang payapa, bigyan ng magandang buhay si Lola, at piliin ang kaunting kasiyahan para sa sarili ko. Pero nang dahil lang sa isang desisyon, nagbago ang lahat."If I didn't enter your lives, siguro hindi nangyari ang lahat ng 'to. If I didn't allow myself to get tangled with you and your family, siguro maayos at tahimik ang buhay nating lahat ngayon," sambit ko. Pero kahit na ganoon, kahit sa kabila ng pagpili ko sa maling desisyon na iyon, may parte pa rin sa akin ang masaya... dahil nagkaroon ako ng anak na nagpabago sa buhay ko, at nakilala ko ang kapatid ko."Wala akong choice kundi ang umalis at magtago. Hindi ko alam na na-aksidente ka, wala akong alam! Pinagtago ako ni Lola sa ibang bansa para protektahan ako, at doon ko lang nalaman ang balita. At iyong mga faked footage? Lahat ng iyon ay napanood ko habang nagtatago!" Habang pasan ko ang anak mo!Narinig ko ang
Para akong nasisiraan ng ulo habang nakatitig sa screen. How come he didn't know? Kung hindi nga siya nagpa-interview noon, sino ang lalaking nasa video na kamukhang-kamukha niya? Sino ang may sapat na kapangyarihan para manipulahin ang media sa ganoong kalaking iskandalo? At talaga bang hindi alam ng pamilya niya ang tungkol dito? O baka naman sadyang hindi lang ito nai-ere sa mga legal na channel kaya hindi nakarating sa kaniya?"I'll get my men to investigate this," matigas niyang sambit habang may tinatawagan sa kaniyang cellphone. Ang kaniyang boses ay mariin, puno ng galit.Nasa sala kami ngayon. Nakaupo ako sa malamig na sahig kaharap ang laptop niya habang pinapanood namin ang interview na pinalabas pitong taon na ang nakalipas. Matagal din bago namin ito nahanap sa internet. Nakalagay ito sa isang tagong illegal site, at ang television logo na ginamit ay peke—the company wasn't even registered.Isa lang ang ibig sabihin nito. Someone faked it. And who? Sino ang may ganito k
Halos lumabas ang mga mata ko sa gulat. Tumingin ako kay Nikolai na kasalukuyang nakatitig sa amin na parang nakakita ng multo. Ang mukha niya kanina na punong-puno ng galit ay biglang napalitan ng matinding kalituhan.“No! I won’t go home unless Auntie Maya comes with us! I want her to be my new m
“Huhuhu… Daddy… Where are you?”Mas lalong lumakas ang iyak ng bata habang sumasabay ang buhos ng ulan. Bilang isang mabuting tao, lumapit ako, binalewala ang sarili kong basang damit at ang sakit sa puso. Agad akong lumuhod sa harap niya para mapantayan siya.“Hey, sweetie… Bakit ka nandito sa ula
“Ano?! Kasal? Nababaliw ka na ba?!”Halos mapasigaw ako sa loob ng kotse. Mabuti na lang at malalim na ang tulog ni Tala kaya hindi siya nagising. Agad kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at dinala ang sarili ko palapit sa pinto ng kotse, palayo kay Nikolai.“You think marriage is ju
“Maya! Maya, babe, are you in there?!”Palapit nang palapit ang boses ni Kenji. Naririnig ko na rin ang ingay ng ilang reporter na sumusunod sa kaniya, nagtatanong tungkol sa kontrobersiyal na halik nila ni Chloe sa live broadcast. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sasabog na yata ako sa halo-h






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore