Tala looked at me guiltily. Yumuko naman si Drake, hindi din alam ang gagawin habang hindi mapakali sa kaniyang kinatatayuan. Halatang pareho silang nabigla sa pagdating ko, at ang mabigat na katahimikan sa pagitan naming tatlo ay unti-unting nilalamon ang buong pasilyo.Lumapit ako sa dalawa, kagat labi akong tinignan ni Tala. Lumilikot ang mga mata niya na tila naghahanap ng madahilan."M-mommy, it's not what you think, you know I—""Why the need of my sister's files, Tala? What is this all about?" putol ko sa kaniya. Direct, cold, and unwavering.Hindi ko maisip kung anong dahilan niya, bakit niya gustong ungkatin ang pagkawala ng totoo niyang ina, ng kapatid ko. It was all stated, Cleah murdered her. Naka-archive na ang kaso, kaya bakit kailangan pa nilang kalkalin ang mga lumang papel na ito?Bago pa man niya mabuksan ang kaniyang bibig, sinenyasan ko siyang tumahimik muna at nilingon ang lalaking si Drake, napayuko nang makita ang pagtitig ko sa kaniya. Kitang-kita ang takot sa
Read more