Mabilis agad ang naging desisyon ni Nikolai na sumama na kami nina Luna at Jake sa Boracay. Ang balak niya, hindi namin uubusin ang isang linggo doon. Nais niya ring bigyan ng sapat na oras ang kaibigan ko kasama ang kasintahan nito, kaya tatlong araw lang kami sa isla tapos ay luluwas na kaming tatlo patungo sa kanilang rest house sa Aklan."Tangina, hindi ganyan si Kenji noon, ah! Ang kj-kj ng lalakeng 'un tapos mas gusto pang sinusolo ka palagi!" bulalas ni Luna.Magkatabi kaming nakaupo rito sa loob ng marangyang private jet ng mga Sandoval. Kandong ko si Tala na kasalukuyang mahimbing na natutulog, habang ang dalawang lalaki naman ay nasa kabilang dako ng eroplano, mukhang may seryosong pinag-uusapan. Subalit kahit may kausap, nasa akin lang ang tingin ni Nikolai habang nakikinig kay Jake, kaya naman hindi ko maiwasang hindi mapakali sa aking kinauupuan."Magkaiba sila ng ugali, Luna..." maikli kong sagot habang inaayos ang buhok ng bata."Talaga! Ang damot-damot ng lokong 'yon!
Baca selengkapnya