"Manang, tulungan ko na po kayo riyan."Agad akong lumapit kay Manang Elsa na kasalukuyang abalang nagdidilig ng mga halaman sa tapat ng mansyon, malapit sa may malaking gate."Nako! Huwag na po, Ma'am Maya. Kaya ko naman po ito, doon na lang po kayo sa loob magpahinga," agap ng matanda.Umiling ako at hindi nakinig sa kanya."Hayaan niyo na ako, Manang. Wala rin naman kasi akong magawa sa loob ng bahay," sabi ko sabay ngiti at tuluyan ko nang kinuha sa kanyang mga kamay ang hose para ako na ang magpatuloy sa pagdidilig.Nasa loob pa kasi si Tala, kasalukuyang mahimbing na naglalaro ng kanyang mga manika. Habang si Nikolai naman ay abala sa kanyang study room dahil kanina pa niya katawagan si Leo, mukhang seryoso nilang pinag-uusapan ang mga huling detalye at preparasyon para sa papalapit niyang malaking karera sa Monaco Championship."Baka magalit si Sir Nikolai niyan, Ma'am," pabirong saad muli ni Manang Elsa.Tinawanan ko lang siya."Akong bahala sa lalaking 'yon, Manang. Hindi 'yo
Read more