THIRD PERSON: Lumipas ang isang linggo. Ngunit para kay Sera, ang bawat araw ay tila isang napakahabang taon ng pagkakapiit at pagtitiis sa loob ng napakalawak na penthouse na nagsisilbi niyang kulungan. At sa tulong ni Manang Choleng, unti-unti nang nagbago ang kaniyang tindig, ang kaniyang marahang pananalita, at ang kaniyang eleganteng istilo ng pananamit. Gabi-gabi rin niyang pinilit na kabisaduhin ang manwal ng kaniyang kahihiyan, tinitiis ang matinding pait at pangungulila sa kaniyang kapatid na si Liam. Sumapit ang gabi ng ikapitong araw. Tahimik na nakatayo si Sera sa gitna ng malawak na sala, suot ang isang napakarangyang puting silk dress na akmang-akma sa kaniyang katawan. Ayon kay Manang Choleng, puti ang isa sa mga paboritong kulay ng tycoon, kaya iyon ang ipinag-utos nitong isuot niya ngayong gabi. Ilang minuto siyang nanatiling naghihintay, habang ang katahimikan ng buong penthouse ay lalong nagpapabilis sa tibok ng kaniyang puso. Ngunit maya-maya lamang, biglang
آخر تحديث : 2026-07-05 اقرأ المزيد