THIRD PERSON: Sa gitna ng romantikong tugtugan, dahan-dahang nagbago ang atmospera sa loob ng bulwagan. Dahil malalabo at madidilim ang ilaw sa dance floor, hindi pansin ng mga tao sa paligid ang bawat lihim at mapusok na galaw ng dalawa, lalo na't abala rin ang iba pang mga bisita sa kani-kanilang pagsasayaw. Sa tindi ng kaniyang panggigigil na hindi na kayang amatin ng kaniyang sariling katinuan, mas lalo pang hinigpitan ni Damian ang pagyakap sa maliit na baywang ni Sera. Idiniin niya ang katawan ng dalaga sa kaniyang matigas na dibdib, tila ba gustong burahin ang bawat espasyo sa pagitan nilang dalawa. Bago pa man makakilos si Sera, iniyuko ng tycoon ang kaniyang mukha at marahas na inilapat ang kaniyang mapusok na mga labi upang selyuhan ito ng isang halik. Isang malalim, mabangis, at palalim nang palalim na halik ang ibinuhos ni Damian sa kaniyang mga labi. Tila panandaliang nawala ang kontrol ng makapangyarihang lalaki sa kaniyang sarili habang ninanamnam ang bango ng kaniyan
Última actualización : 2026-07-25 Leer más