James POV Napakuyom ang aking palad habang hawak ang brown envelope habang buma-biyahe kami patungong Tagaytay. Sa tabi ko sa sasakyan, tahimik na nakatitig si Jenny sa labas ng bintana, halatang balisa at nanginginig ang mga daliri. "Huwag kang matakot, Jenny," mahinahon kong wika habang nakatutok ang mga mata sa kalsada. "Dala ko rito ang lahat ng resibo, bank transfers, at mga mensahe ni Maricel. Hindi lang pala lason sa isip ang ibinigay niya kay Lindsay—matagal na rin siyang nagnenakaw sa pondo ng bahay at nagpapalabas ng mga maling kwento para protektahan ang sarili niya." "S-Sir James... paano po kung ayaw nila tayong pakinggan?" pabulong at nangangambang tanong ni Jenny. "Makinig man sila o hindi, lalabas ang katotohanan ngayong araw na 'to," sagot ko nang may matinding pinalidad. Nang makarating kami sa rest house sa Tagaytay, agad kong ipinarada ang sasakyan sa tapat ng beranda. Nakita kong nakatayo roon si Lindsay, hawak ang kaniyang tasa ng kape, habang nasa tabi
Last Updated : 2026-09-05 Read more