Sofia POV Nang makita ako ni Mommy, kumaway siya at mabilis na lumabas ng sasakyan kasama si Daddy James. Ngunit nang mapansin nilang may kasama akong matangkad at guwapong laking nakaseryosong tindig, bahagyang napatigil sina Dad at Mom. "Mom! Dad!" masaya kong bati sabay lapit sa kanila. Tumingin si Daddy James kay Enzo—isang mabilis, masuri, at protective na tingin ng isang ama. "Sofia, baby... sino ang kasama mo?" Humarap si Enzo kay Dad nang walang anumang takot o kaba sa kaniyang mukha. Dumeretso ang kaniyang tayo at nagbigay ng isang magalang na pagtango. "Good afternoon po, Sir, Ma'am. Ako po si Enzo, Grade 10 student at cadet officer po rito sa school. Inihatid ko lang po si Sofia sa gate." Mabilis kong idinagdag, "Mom, Dad, siya po 'yung nagtanggol sa akin noong Martes noong sinaktan ako nina Hailey. Siya rin po ang nagdala sa akin sa clinic. Remember? " Nang marinig iyon nina Mommy Lindsay at Daddy James, mabilis na napalitan ng init at pasasalamat ang s
Last Updated : 2026-08-27 Read more