Jenny POV Kinabukasan, maaga akong naghanda para sa aking pagbiyahe patungong Batangas. Bitbit ang aking mga bagahe, pumasok ako sa sala kung saan naghihintay ang buong pamilya para magpaalam. Sinalubong ako ni Ma'am Lindsay ng isang mahigpit na yakap. "Mag-iingat ka roon, Jenny. Tandaan mo, nakatatak na sa amin na pamilya ka rito. Tumawag ka agad kapag nakarating ka na." "Maraming salamat po, Ma'am Lindsay, Sir James... sa lahat ng tiwala at pagkakataon," sagot ko habang pinipigilan ang pagtulo ng aking luha. Lumapit din si Sofia at mabilis akong niyakap, habang si Kuya Biboy naman ay nakatayo sa tabi ni Kris na maagang bumisita para maghatid din. Nakatagay si Kuya Biboy at ngumiti sa akin nang may buong pagmamalaki. "Good luck, Jenny. Ipakita mo sa kanila kung gaano ka kagaling," masayang wika ni Kris sabay hawak sa kamay ni Kuya Biboy. "Salamat po, Miss Kris, Kuya Biboy," nakangiti kong sagot. Sa pagkakataong ito, wala na ang kirot o paninikip sa aking dibdib. Ang nakikita ko
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-10 อ่านเพิ่มเติม