Lindsay POVTinitigan ko ang aking mag-anak habang nakaupo kami sa sala. Ang dating takot at lungkot sa mga mata ni Sofia ay unt-unting napalitan ng panatag na loob habang nakasandal siya sa akin. Tumingin ako kay James, nakita ko sa kaniyang mga mata ang matinding relief at ang tunay na pagbabago sa kaniyang pagiging ama."Salamat, James," pabulong kong wika habang hawak ang kaniyang kamay. "Salamat sa pagpiling makinig at umunawa."Ngumiti si James at marahang pinisil ang aking mga daliri. "Nangako ako sa'yo, Lindsay. Ang pamilyang ito ay protektado na ngayon, hindi sa pamamagitan ng galit o kontrol, kundi sa pamamagitan ng pagmamahal at pagtanggap."Pagkalipas ng ilang araw, gaya ng ipinangako ni James, inimbita namin si Ethan para mag-dinner sa bahay. Bumisita rin sina Biboy, Jenny, at ang apo naming si Nathan upang makasama at makilala ang binata.Sofia POVNakatayo ako sa may pinto ng aming kainan habang pinagmamasdan si Ethan na pormal na nakikipag-usap kina Daddy at Kuya Biboy
Last Updated : 2026-09-27 Read more