James POV "Jake, nakita ko si Lindsay! Buhay siya!" halos pasigaw kong bungad pagpasok na pagpasok ko sa bahay. Napatingin si Jake sa akin, kunot ang noo at may halong pag-aalala. "Dad, baka nagkakamali ka lang. Matagal nang patay si Lindsay. Limang taon na, remember?" "No, Jake! I saw her! Hindi ako maaaring magkamali!" nanginginig kong giit habang nakahawak nang mahigpit sa kaniyang mga balikat. "Ang lakad niya, ang hugis ng mukha niya—siya 'yun! At kasama niya ang matandang kasama ng batang si Biboy!" "Pero, Dad, it's impossible..." bumuntong-hininga si Jake at umiling. "Baka hallucination mo lang 'yan dahil sa sobrang pagod at puyat." "Hindi! Samahan mo ako sa club! Nakita ko, naroon lang siya sa eskinita malapit doon!" pagmamakaawa ko sa kaniya. Dahil sa pag-aalala, pumayag si Jake na samahan ako. Bumalik kami sa Cubao at pumasok sa loob ng VIP bar pagpatak ng gabi. Inikot namin ang buong club. Sumilip ako sa bawat mesa, sa dance floor, at maging sa service area. Ti
Last Updated : 2026-08-04 Read more