Share

Chapter 60

Author: Mr. Heat
last update publish date: 2026-08-04 21:29:06

James POV

​"Jake, nakita ko si Lindsay! Buhay siya!" halos pasigaw kong bungad pagpasok na pagpasok ko sa bahay.

​Napatingin si Jake sa akin, kunot ang noo at may halong pag-aalala. "Dad, baka nagkakamali ka lang. Matagal nang patay si Lindsay. Limang taon na, remember?"

​"No, Jake! I saw her! Hindi ako maaaring magkamali!" nanginginig kong giit habang nakahawak nang mahigpit sa kaniyang mga balikat. "Ang lakad niya, ang hugis ng mukha niya—siya 'yun! At kasama niya ang matandang kasama ng b
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
bujgab
tipid din updates
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 123

    Lindsay POVTinitigan ko ang aking mag-anak habang nakaupo kami sa sala. Ang dating takot at lungkot sa mga mata ni Sofia ay unt-unting napalitan ng panatag na loob habang nakasandal siya sa akin. Tumingin ako kay James, nakita ko sa kaniyang mga mata ang matinding relief at ang tunay na pagbabago sa kaniyang pagiging ama."Salamat, James," pabulong kong wika habang hawak ang kaniyang kamay. "Salamat sa pagpiling makinig at umunawa."Ngumiti si James at marahang pinisil ang aking mga daliri. "Nangako ako sa'yo, Lindsay. Ang pamilyang ito ay protektado na ngayon, hindi sa pamamagitan ng galit o kontrol, kundi sa pamamagitan ng pagmamahal at pagtanggap."Pagkalipas ng ilang araw, gaya ng ipinangako ni James, inimbita namin si Ethan para mag-dinner sa bahay. Bumisita rin sina Biboy, Jenny, at ang apo naming si Nathan upang makasama at makilala ang binata.Sofia POVNakatayo ako sa may pinto ng aming kainan habang pinagmamasdan si Ethan na pormal na nakikipag-usap kina Daddy at Kuya Biboy

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 122

    Sofia POVNakalabas ang sasakyan sa main gate ng aming subdivision, ngunit imbes na patungo sa University, pinaliko ko ito papunta sa isang tahimik at lumang parke. Malamig ang hangin at halos walang tao sa paligid.Habang dahan-dahan akong naglalakad patungo sa isang wooden bench sa ilalim ng malaking puno, nakita ko na siyang nakatayo roon—si Ethan."Sofia..." mahinahon niyang bati nang makalapit ako. May bakas ng pag-aalala at lungkot sa kaniyang mga mata."Ethan, pakiusap," pabulong kong pakiusap habang nanginginig ang aking mga kamay. "Nangako ka sa akin na bibigyan mo ako ng oras. Nakikita mo naman kung gaano kagulo ang pamilya ko nitong mga nakaraang taon. Ngayon pa lang nagiging maayos ang lahat kina Dad at Kuya Biboy.""Naintindihan ko, Sofia," sagot ni Ethan sabay hawak sa dalawa kong kamay. "Pero hanggang kailan natin itatago 'to? Anak ako ng dating business partner ng daddy mo na pinalayas at nakalaban niya sa negosyo noon. Hindi ko kasalanan ang kasalanan ng pamilya ko, a

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 121

    James POVNakatayo ako sa aking opisina sa bahay habang nakatingin sa malaking family picture na nakasabit sa pader. Nakangiti roon sina Biboy at Jenny habang karga ang aming apo na si Nathan. Sa nakalipas na mga taon, naging labis ang tuwa at relief ko na nakitang maayos, masaya, at matagumpay ang buhay ng aking panganay. Napakaraming oras at atensyon ang ibinuhos ko para masigurong protektado ang kanilang hinaharap.Ngunit nang itaas ko ang aking paningin sa kabilang gilid ng larawan, natigilan ako.Nandoon si Sofia—ang aking bunso. Nakatayo siya nang bahagyang malayo sa amin, may tipid na ngiti ngunit may kakaibang dungaw sa kaniyang mga mata.Isang matinding pait at konsensya ang biglang humakot sa aking dibdib. Sa sobrang pagtutok ko sa mga problema nina Biboy at Jenny, at sa kagustuhan kong ayusin ang buhay ng aking panganay, hindi ko namamalayang napapabayaan ko na pala ang aking anak na babae. Sa mga nagdaang buwan, madalas kong nahuhuli si Sofia na nakatitig sa malayo, tahimi

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 120

    James POV Nakatayo ako sa gilid ng bakeshop habang pinagmamasdan ang buong pamilya ko. Hawak ni Lindsay si Nathan habang itinuturo sa kaniya ang mga makukulay na pastries sa glass display, habang sina Biboy at Jenny naman ay abala sa paghahanda ng kape sa likod ng counter, nagpapalitan ng mga pilyong ngiti at mahihinang halik na akala nila'y walang nakakakita. Isang malalim at paitaas na paghinga ang ipinukol ko bago ako napasandal sa may pader. Minsan sa buhay ng isang tao, may mga desisyon kang gagawin na alam mong mali ang paraan, ngunit buong-puso mong pinaniniwalaang tama ang hangarin. Noong gabing iyon sa Tagaytay—kung saan nagdesisyon akong gamitin ang aking kapangyarihan para itali sina Biboy at Jenny—handa akong maging kontrabida sa buhay ng sarili kong anak. Handa akong kapootan at isumpa nila, basta't masiguro ko lang na hindi sila mapupunta sa mga maling tao at hindi mawasak ang hinaharap na nakalaan para sa kanila. Ngunit ang makita sila ngayon, limang taon ang n

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 119

    Jenny POVNaging mabilis at napakagandang panaginip ang aming reception sa tabing-dagat. Puno ng tawanan, masasarap na pagkain, at mga bati ng pagmamahal mula sa aming mga kaibigan at pamilya. Ngunit nang matapos ang gabi at makarating kami sa aming honeymoon suite, pinalitan ng isang tahimik at napakatamis na atmosphere ang buong silid.Nakatayo ako sa may veranda habang nakatingin sa madilim na karagatan at nakikinig sa hampas ng mga alon. Naramdaman ko ang dahan-dahang pag-akap ni Biboy mula sa aking likuran, ibinaon niya ang kaniyang mukha sa aking leeg at marahang humalik doon."Napagod ka ba, Mrs. Jenny?" pabulong niyang tanong habang mas lalo niyang iniyakap ang kaniyang mga braso sa aking baywang.Napangiti ako at isinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib. "Hindi naman... Masayang-masaya lang ako, Biboy. Pakiramdam ko, sa wakas, nasa tamang lugar na ang lahat."Humarap ako sa kaniya at inabot ang kaniyang pisngi. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, nakatitig sa akin ang kaniyang m

  • TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )    Chapter 118

    Jenny POVNang maghiwalay ang aming mga labi, kapwa kami bahagyang hinihingal habang nakatitig sa isa't isa. Namumula pa rin ang aking mga pisngi habang nakakapit ang aking mga kamay sa kaniyang mga balikat. Ang init ng kaniyang yakap at ang tamis ng kaniyang halik ay nag-iwan ng kakaibang kuryente sa buong katawan ko."Biboy..." pabulong kong tawag, sa unang pagkakataon na tinawag ko siya sa kaniyang pangalan nang walang "Kuya".Napangiti siya nang napakalapad, isang ngiting buong-buo at walang halong anumang alinlangan. "Ang sarap palang pakinggan kapag mula sa'yo."Dahan-dahan niya akong inangat habang hawak ang aking kamay at marahang tumayo mula sa carpeted na sahig. Sa tulong ng maliit na liwanag ng kandila, inakay niya ako patungo sa sofa. Umupo kami nang magkatabi, ngunit sa pagkakataong ito, hindi na kami naghiwalay. Ipinatong niya ang kaniyang braso sa aking balikat at inilapit ako sa kaniyang tabi, habang ako naman ay kusang sumandal sa kaniyang dibdib."Pano na 'yung 2-yea

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status