"Ayan, maayos na. Sana pala pina-exclusive ko 'yong elevator,” tila wala sa sariling sabi niya.Tiningnan ko ang paa kong nasa tuhod niya saka ko 'yon marahang ibinaba. Nasa lobby kami ng hotel at nakaupo sa isa sa mga sofa.“Saan ang punta mo? Ihahatid na kita,” anyaya niya.“Naku, huwag na! Nakakahiya na masyado. At saka baka ma-late ka pa sa pupuntahan mo.”Bahagya siyang tumawa. “Wala naman akong importanteng pupuntahan. I just want to stroll around since wala pa akong trabaho sa ngayon.”Hindi ako nakasagot. Hindi ko rin kasi alam kung anong isasagot ko. Nakakahiya naman kasi kung magpahatid pa ako sa kanya sa bahay nina Mina.“Kaya ihahatid na lang kita. Pamatay oras na lang din,” sabay ngiti niya.Bakit ba siya ngiti nang ngiti?“Huwag na talaga. Masyado ng nakakahiya. Tinulungan at ipinagluto mo na ako kahapon, tapos tinulungan mo na naman ako ngayon. Ang dami mo ng pabor na ginawa para sa akin.”“I insist,” sabi niya at tumayo. Hinawakan niya ako sa palapulsuhan ko at marahan
Huling Na-update : 2026-07-10 Magbasa pa