Kasalukuyan kaming nasa mall at bumibili ng gamit para sa school project ni Seth nang nakatanggap ng tawag si Dwight mula sa kakambal nitong si Dwayne.“Gising na daw si Lumina,” anunsyo nito dahilan upang manlaki ang mga mata ko.“Talaga? Naku! Salamat naman sa Diyos!”Sa tuwa ko ay napayakap ako kay Dwight. At huli na nang napagtanto kong hindi pala dapat sa kanya ako yumayakap. Kay Seth pala dapat.Agad akong lumayo, nag iwas ng tingin at tumikhim. Kasunod no'n ay narinig ko ang agaran ring tawa ni Dwight.“Gising na ang mommy mo, Seth.” “Tito, gusto ko pong pumunta kay mama.”Tumango si Dwight at naupo, pumapantay sa lebel ni Seth.“Pupunta tayo kay mama mo but we have to wait for your dad's signal okay? The doctors still have to check your mama before accepting visitors. Naiintindihan mo ba, Seth?” Malumanay ang pagkakasabi ni Dwight. Napangiti ako. Kung magkakaroon man siya ng anak sa darating na panahon, sigurado akong magiging mabuting ama siya.Tumango naman si Seth. “Yes po
Terakhir Diperbarui : 2026-07-10 Baca selengkapnya