“Lumina?” gulat na naibulalas ni Dwayne nang nakita ang pagpasok ni Lumina. Maging kami ay agad na napatayo mula sa pagkakaupo.“Mama?” ani Seth.“Anong ginagawa mo dito?” galit na tanong ni Lumina kay Dwayne. “Umalis na kayo. Trespassing ang ginagawa ninyo! Ely, dalhin mo si Seth sa taas.”Nagmadali agad si Ely palapit kay Dwayne upang kunin si Seth.“Lumina, can we talk?”Agad na umiling si Lumina. Malalim ang naging pagbuntonghininga ko.“Wala tayong dapat na pag usapan, Dwayne.”“We need to talk,” malamig na sabi ni Dwayne.Napahawak ako sa braso ni Zoren. “Lumina, labas lang kami.”Hihilain ko na sana palabas si Zoren pero agad akong natigilan nang magsalita si Lumina.“Hindi, Mel. Kung meron mang lalabas dito ay si Dwayne 'yon at ang mga tauhan niya,” matigas na aniya.Char! Hindi na siya tanga!Nag angat ako ng tingin kay Zoren at nakitang nakatingin na din pala siya sa akin.“It's okay, Melissa. Lalabas ako . . . Pero kasama ka, Lumina,” singit ni Dwayne pagkatapos ay agad na
Terakhir Diperbarui : 2026-07-10 Baca selengkapnya